Pinoy archers tumudla ng medalya
July 25, 2001 | 12:00am
Bagamat kapos sa ipinadalang tao, nakapag-uwi pa rin ang 5-man team ng Philippine National Archery team ng medalya sa katatapos pa lamang na 21st Southeast Asian Games Test Match and National Championships sa City Square, Johor Bahru sa Johor, Malaysia.
Pumana si Syd Nerickzon Fraginal ng gold, habang bronze naman ang inasinta ni Christian Cubilla sa mens individual recurve.
Nagtala ng limang panalo ang 18-anyos na si Fraginal, na tinam-pukan ng kanyang panalo kontra sa teammate na si Cubilla sa semifinals, 107-101 ang nagkaloob sa kanya ng ginto matapos na igupo si Poljungleed Prawit ng Thailand, 116-102.
Ang 23-gulang na si Cubilla, 1997 Jakarta team gold at individual bronze medalist ay nagposte ng apat na panalo na kinabibilangan ng 107-105 pananaig kontra Mawi Syafrudin ng Indonesia.
Tumapos lamang ng 9th place si Marvin Cordero sa Olympic Round matapos ang kanyang dalawang panalo, habang pang-19th puwesto naman si Bryan Carlo Figueroa na may isang panalo lamang.
At sa mens team, nakapuwesto ang bansa ng ikaapat na posisyon makaraang yumukod sa Malaysians, 218-230 para sa bronze medal.
Nakatuntong sa ikawalong posisyon ang nag-iisang lahok na babae ng Pilipinas na si Abbigail Tindugan sa womens individual. At sa pangkalahatan, maganda na rin ang tinapos ng bansa na ikaapat na puwesto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended