Ito ang sinabi kahapon ni PBA acting Commissioner Sonny Barrios na naging panauhin sa lingguhang PSA Forum na ginaganap sa Holiday Inn Hotel.
"The status of Purefoods franchise has to be tackled first by the PBA Board. This is the boards top priority at the moment so the new applicants will have to be put on hold for the meantime," pahayag ni Barrios.
Sinabi din ni Barrios na pag-uusapan ng Board kung ano ang gagawin sa mga popular na ballclubs sa kanilang regular monthly meeting sa Lunes na gaganapin sa Manila Golf Club.
Humiling ang Purefoods team management ng extension ng kanilang prangkisa bagamat ang kanilang kumpanya ay nabili na ng San Miguel Beer Corporation kamakailan lamang.
Ayon sa PBA rules, hindi maaaring magkaroon ng tatlong koponan ang isang kumpanya. Bago pa man mabili ng San Miguel ang Pure-foods ay naririyan na ang SMBeer at sister company na Barangay Ginebra.
"It will be the board which will decide what to do with the request of Purefoods for an extension. Ultimately, its new owner San Miguel, will have to decide what to do if the request is turned down," pahayag pa ni Barrios.
Ayon kay Barrios sakaling di pumabor sa San Miguel ang magiging desisyon ng board, maaari nilang ibenta ang prangkisa sa mga interesadong kumpanya o kayay idisbanda ang koponan.
Nilinaw din ni Barrios ang sitwasyon ng Pop Cola, isang produkto ng Cosmos Bottling na subsidiary ng RFM na ipinagbili kamakailan lamang sa San Miguel.
"The franchise remain with RFM so all the company has to do is to remain its team in the PBA," sabi pa ni Barrios.
Ibinunyag din ni Barrios na ang Commissioners Office ay tumutulong kay Eric Menk para makakuha ito ng certification mula sa Department of Justice upang makalaro ito sa Tanduay sa PBA.
"I cant say how long until Menk can finally secure his papers. But we believe that he is a role model not only for his team but for the league as well," wika pa ni Barrios.