Bilang kahalili ng nagbabalik aksiyon nang si Andy Seigle, nagtala ito ng career-high na 23 puntos kontra sa Red Bull at ibinigay sa TJ Hotdogs ang No. 2 slot patu-ngong quarterfinal round ng kumperensiya at masiguro ang twice-to-beat advantage.
"He really played big for us," pahayag ni Purefoods coach Eric Altamirano na hindi ang panalo kontra sa Red Bull lamang ang tinutukoy.
"He came up big for us in the entire elimination round. What he did for us was great. We could have never gotten this far had Richard not filled in for Andys slot," dagdag pa ni Altamirano.
Iilan lamang ang nagsabing aabot ang tsansa ng Purefoods sa susunod na round lalo na sa top four dahil sa pagkawala ni Seigle na may heel injury na nangangailangan ng mahabang paggagamot sa Amerika.
Maraming nagsabing mahihirapan ang Purefoods lalo na sa kumperensiyang kinata-tampukan ng mga imports na may taas na 68.
"Of course, when you have teams that field in 68 imports, youd like to have your best center for us. But there was nothing we could do in Andys case. He really had to undergo rehab and we had to find other ways to win," sabi pa ni Alta-mirano.
Bukod kay David Wood, pinili ni Altamirano si Yee na punan ang nabakanteng puwesto ni Seigle.
"I always knew Richard could play in this league. It was just a matter of giving him the right breaks."
Para hindi gaanong maramdaman ang pagkawala ni Seigle, mayroong average na 8 puntos at 5 rebounds, si Yee ay malaking bagay sa five-game winning streak na nakatulong sa Purefoods na makakuha ng twice-to-beat.
Tapos na ang trabaho ni Yee bilang panakip sa pagkawala ni Seigle na makakapaglaro na sa quarterfinal round, ngunit mula ngayon, si Yee na ang unang huhugutin ni Altamirano sa tuwing magpapahinga ang kanyang mga starters
Itoy ginawang posible ni Yee.