Barcelo nanguna sa Naga City elims ng Milo Marathon
July 23, 2001 | 12:00am
NAGA CITY -- Para lamang sa lahat ng Bicolano ang naging affair kahapon ng umaga sa Milo regional elimination race na suportado ng Adidas na ginanap sa Naga City sa Camarines Sur.
Limitado ng local race organizers Naga City Sports Council sa pangunguna ng chairman na si Pedro Lee ang mga kalahok para lamang sa mga residente ng ibat ibang probinsiya sa Bicol region kung saan ang beteranong runner na si Neri Barcelo, 34-anyos mula sa Goa, Camarines Sur ang magaang na nanalo sa 10K race sa oras na 35:05.
Kinuha ng supervisor ng Forever Living Products ang bentahe sa 3K mark na hindi na binitiwan pa hanggang sa solong pagtawid sa finish line at ibulsa ang P5,000 at biyahe patungong National Milo 42K finals sa Metro Manila sa December.
"Maraming malakas din kaya target ko lang maka-top 3," wika ni Barcelo na may kaugnayan sa PAF serviceman at tubong Sorsogon na si Mike Samson na pumangalawa sa oras na 36:21 at nag-uwi rin ng P3,000 premyo.
Ang ikatlong puwesto ay napunta kay Sustenes Ballester Jr., nakababatang kapatid ng defending National Milo Marathon champion Allan Ballester.
"Gusto kong sumunod sa dalawa kong kapatid, Si Wilfredo at Allan na pareho ng nag-champion," anang 22-anyos na si Ballester na kumita rin ng P2,000 sa tiyempong 36:34 at siya ay nakasama nina Barcelo at Samson para sa 42K finals.
At sa womens side, dinomina ni Joy Pardinas mula sa Naga City ang kanyang mga kalaban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended