^

PSN Palaro

Sa UAAP basketball tournament: Maroons nalasog sa Bulldogs

-
Isang malaking atake ang ibinaba ng National University sa huling maiinit na bahagi ng labanan upang matakasan ang matinding hamong ibinigay ng University of the Philippines, 60-59 kahapon sa pagpapatuloy ng 64th UAAP season men’s basketball tournament sa Loyola gym.

Ang panalong ito ng Bulldogs ang naghatid sa kanila na masolo ang ikalawang slot bunga ng 2-1 panalo-talo record at posible pa silang makisosyo sa liderato kung sakaling matalo naman ang FEU Tamaraws sa Ateneo de Manila University na kasalukuyang naglalaban pa habang sinusulat ang balitang ito.

Posible sanang mauwi sa overtime ang laban kung kapwa pumasok lamang ang free throws ni Mark Jomalesa na kanyang nahugot mula sa foul ni Ariel de Castro may 1.6 segundo na lamang ang nalalabi sa laro.

Isa pang pagkakataon ang napasakamay ng Maroons nang makuha ni Jomalesa ang rebounds matapos ang kanyang split shots, pero mahigpit ang depensa ng Bulldogs kung kaya’t nauwi rin ito sa wala matapos na maubos ang oras.

Sa juniors game, tinalo ng UP ang NU Bullpups, 68-56.

At sa UST gym, pina-yukod ng De La Salle U ang FEU Lady Tamaraws, 69-50, habang nasilat ng UST Lady Tigers ang Ateneo, 56-51 at ginapi ng UP ang UE, 60-53 sa women’s division. (Ulat Maribeth Repizo)

ATENEO

DE LA SALLE U

ISA

LADY TAMARAWS

LADY TIGERS

MANILA UNIVERSITY

MARK JOMALESA

NATIONAL UNIVERSITY

ULAT MARIBETH REPIZO

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with