^

PSN Palaro

MBA First Phase: Mahalagang panalo asam ng Lakers kontra Slashers

-
Tangka ng Batangas na mapalawig ang kanilang winning streak sa lima sa nakatakdang pakikipaglaban sa may kalakasang Negros sa pagpapatuloy ng first phase ng MBA sa La Salle Gym sa Lipa City.

Base sa percentage, hawak sa kasalukuyan ng Blades ang pangunguna sa kanilang 7-2 win-loss slate sa likod ng Slashers na nag-iingat naman ng 9-3 record matapos ang 92-80 pamamayani ng Batangas kontra sa Davao noong Biyernes.

Hindi lang ang pagpapahigpit ng kanilang kapit sa liderato ang puntirya ng Blades, kundi ibig rin ng tropa ni coach Nash Racela na makabawi mula sa kanilang 79-90 pagkatalong nalasap sa Slashers ng una silang magharap noong Hunyo 20.

"We’re looking forward to this game considering that we’re fighting for the solo lead," pahayag ni Racela na makakaharap ang Negros sa alas-5:30 ng hapon bilang main game.

Muling mangunguna sa kampanya ng Blades sina Alex Compton at Romel Adducul.

Samantala, umaasa ang Laguna na makakabangon mula sa kanilang 100-105 pagkatalo sa mga kamay ng defending champion San Juan sa kani-lang sariling balwarte sa nakatakdang laban nila ng Davao upang mapahigpit pa ang kapit sa kontensiyon.

Maghaharap ang Davao at ang Laguna sa alas-3 ng hapon bilang pampagana.

Hawak ng Lakers ang ikalimang puwesto sanhi ng kanilang iniingatang 4-6 panalo-talo kartada at ang kanilang panalo ngayon ang mag-bibigay ng bentahe para sa naghahabol na Nueva Ecija Patriots (2-7), Davao (2-8) at Socsargen (2-9) record sa ka-rera ng huling slot sa susunod na round.

ALEX COMPTON

BATANGAS

DAVAO

KANILANG

LA SALLE GYM

LIPA CITY

NASH RACELA

NUEVA ECIJA PATRIOTS

ROMEL ADDUCUL

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with