Ginawang tuntungan ng España-based dribblers ang tikas nina Derrick Hubalde at Niño Gelig upang trangkuhan ang Uste na maitala ang kanilang unang panalo matapos ang dalawang sunod na talo.
Ito bale ang ika-22 su-nod na talo ng Falcons at ika-16th dikit naman para kay coach Luigi Trillo na nananatiling bokya pa rin matapos na kunin ang coaching job ng Falcons noong nakaraang season.
Nalimita ng Tigers ang Falcons sa unang yugto pa lamang ng labanan nang kanilang hawakan ang 17 puntos na pinakamalaking bentahe sa iskor na 24-7.
Gayunman, nagsikap ang Adamson na makabalik nang magpakawala ng tatlong sunod na basket sa pagtikada ng ikalawang quarters para sa 20-2 run na naglapit ng iskor sa 27-26.
Pero agad ding sumagot si Hubalde ng dalawang tres na siyang nag-hatid sa Tigers ng 32-29 kalamangan.
Sa juniors games, iginanti naman ng Adamson Baby Falcons ang kabiguan ng kanilang senior team nang payukurin ang UST Cubs, 66-60, habang dinurog naman ng De La Salle U ang UE Pages, 70-49.