^

PSN Palaro

Reyes at 4 pang Pinoy cue artists sinusuwerte pa

-
Isang mahusay na pagtumbok ang pinagana ni Efren "Bata" Reyes upang bumawi sa kanyang unang kabiguan nang talunin ang top-ranked na si George San Souci ng Amerika, 5-2 at pangunahan ang pagpasok ng limang RP cue artists sa mahigpitang round of 64 sa Admiral World Pool Championship sa Cardiff kahapon.

Ang kabiguan ng Amerikanong manunumbok ay nagpatalsik sa kanya sa susunod na round kasama ang dalawang iba pang Pinoy na sina Rodolfo Luat, naging quarterfinalists dito noong nakaraang taon at ang beteranong si Warren Kiamco.

Kasama ni Reyes na umusad sa round of 64 knockout matches na magsisimula ngayon (Manila time) sina Francisco "Django" Bustamante, Leonardo "Dodong" Andam, Ramil Gallego at Antonio Lining.

"Siguradong isa sa amin ang makakapasok sa finals. Dahil maganda ang tira ng mga kasama ko kahit na ninenerbiyos dahil mahirap ang laban race to 5 lang, maikli,"  pahayag ng 42-anyos na si Reyes na kilalang "The Magician" sa isang phone patch interview ng ANC kahapon.

"Kailangan ng konting ingat ngayon dahil knockout game, pagnatalo ka wala ng tsansa pa, kaya kung may pagkakataon, kunin natin ng maganda," dagdag pa ni Reyes na nanguna sa Group 8 na mayroong 6-1 record.

Hindi naman napagtagumpayan ni Andam ang kanyang huling dalawang laban sa race to 5 nang mabigo ito sa kanyang mga kalaban sanhi upang maikamada ang 5-2 record sa Group 16 at pumangalawa lamang.

Tumapos rin ng ikalawang puwesto si Lining sa Group 14 nang mag-tala ng limang panalo at dalawang talo na tinampukan ng kanyang tagumpay sa kalabang sina Peter Nielsen ng Denmark, 5-2 at Daryl Peach ng England, 5-0.

Matagumpay na naipanalo ni Bustamante ang kanyang huling dala-wang laban kontra Chin Ching Chan ng Chinese-Taipei, 5-2 at Majid, 5-1 upang agawin ang pangunguna sa Group 13 bunga ng 6-2 record.

Naipanalo naman ng mahigpit na paborito at five-time champion Earl "The Pearl" Strickland ang kanyang huling tatlong laban upang makapasok sa susunod na round, bago hiniya ni Gallego ang kalabang si Fong Pang Chao kilalang "Cold Faced Killer" at kampeon noong nakaraang taon.

Bunga nito, nahaharap sa isang mabigat na hamon si Gallego kung saan maka-katumbukan niya si Strickland, habang makakaharap naman ni Reyes si Tiong Boon Tan.

Sa iba pang laban, sasagupain ni Andam si Johl Younger, makakalaban ni Lining si Hishashi Yamamoto, habang maglalaban sina Bustamante at Tony Drago. (Maribeth Repizo)

ADMIRAL WORLD POOL CHAMPIONSHIP

ANDAM

ANTONIO LINING

BUSTAMANTE

CHIN CHING CHAN

COLD FACED KILLER

DARYL PEACH

FONG PANG CHAO

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with