Ayon kay PASA secretary-general Ral Rosario, malakas ang tsansa ng bansa na magwagi ng anim na ginto sa Kuala Lumpur, Malaysia biennial meet sa kabila na walo lamang tankers ang inaprobahan kamakailan ng pinagsamang puwersa ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission SEAG Task Force.
"They are all ready, they are in the thick of training," ani Rosario. "We may have a lean delegation but all of them are qualified given the bronze medal standards set by the Task Force," dagdag pa ni Rosario.
Ang RP tankers ay babanderahan ng 2000 Sydney Olympic veterans Miguel Mendoza, Juan Carlo Piccio, Jenny Guerrero at Liza Danila kasama ang bagitong si Miguel Molina, Mark Kalaw, Luika Dacanay at Lynette Ang.
Tanging sina Piccio at Mendoza na kasalukuyang nagti-training sa Amerika ang naging maganda ang performance sa Olympics nang magposte ng personal best records sa kanyang paboritong event na 1,500-m medley si Piccio, habang tinabunan naman ni Mendoza ang RP mark sa 400-m freestyle.
Samantala, inihayag din ni Rosario na tinanggal na nila ang pangalan ni Kathy Echeverri mula sa SEAG-bound swimming squad matapos na di tumugon ang US-based swimmer sa ilang ulit na panawagan ng asosasyon para sa tryout.
Isa si Echeverri sa dalawang maninisid ng bansa na nanalo ng silver medal sa Brunei SEAG noong 1998 kung saan nabigo ang RP na manalo ng ginto sa meet na ito ng tumapos lamang ng dalawang silver medals at bronze medals.
Nais sana ng PASA na makuha ang five-man diving team sa SEAG sa pangunguna ni Olympians Zardo Domenios at Shiela Perez ngunit di pa ito inaaprobahan ng Task Force.