Suporta ng mga kababayan inaasahan ng Patriots kontra Lakers
July 18, 2001 | 12:00am
Umaasa ang Nueva Ecija na magiging inspirasyon nila ang ibibigay na suporta ng kanilang mga tagahanga sa kanilang balwarte para sa pinakamahalagang panalo sa nakatakdang pakikipagharap nila kontra Fedex Laguna ngayon sa first phase ng MBA na dadako naman sa Araullo Centrum Gym sa Cabanatuan City.
Okupado ng Lakers ang ikalimang puwesto bunga ng kanilang 3-5 record na may isang larong bentahe sa Patriots na nag-iingat naman ng 2-6 kartada at ang kakalabasan ng resulta ng kanilang laro na nakatakda sa alas-5:30 ng hapon ang siyang magdedetermina ng kanilang magiging kapalaran sa susunod na round.
Naipanalo ng Laguna ang kanilang unang laban kontra sa Nueva Ecija, 111-101, dalawang linggo na ang nakakaraan sa Sta. Cruz, Laguna at posibleng maulit nila ito bagamat di pa natatalo ang Patriots sa kanilang sariling homecourt.
Samantala, nais ng Socsargen Marlins na mapaganda ang kanilang 2-8 kartada sa nakatakdang pakikipaglaban kontra Cebuana Lhuillier sa unang laro, bandang alas-3.
Siguradong mahigpit na laban ang ibibigay ng Gems dahil nais nilang makabawi mula sa natamong pagkatalo sa mga kamay ng Batangas Blades, 69-83 noong nakaraang linggo na dahilan upang malaglag sila sa ikaapat na puwesto bunga ng 7-4 win-loss slate.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest