^

PSN Palaro

Andam, Reyes malinis pa ang rekord

-
Sa ikalawang araw ng hostilidad ng Admiral World Pool Championship na ginaganap sa Cardiff, Wales, muling ipinagpatuloy ni Efren "Bata" Reyes ang kanyang supremidad upang patuloy na hawakan ang pangunguna sa Group 8, habang di rin nagpahuli si Leonardo ‘Dodong’ Andam na nananatiling malinis ang katayuan matapos ang kanyang tatlong laban.

Tinalo ni Reyes, kilalang "The Magician" ang kalabang si Sandor Tot ng Hungary, 5-4 bago binokya ang kalabang si Raymond Hauge ng Norway na naghatid sa kanya ng isang slot para sa round of 64.

Matatandaan na unang ginapi ng tubong Pampanga na si Reyes ang kalabang si Hishashi Yamamoto ng Japan sa iskor na 5-4, bago nanaig kontra Welshman Rob McKenna, 5-0 sa unang araw ng kompetisyon noong Linggo.

Hindi naman gaanong nahirapan sa kanyang laban si Andam nang kanyang bokyain ang isa sa qualifiers na si Matjaz, 5-0.

Natalo ang unang laban ni Francisco "Django" Bustamante sa snooker pro Gary Ponting, 5-1 na nagbigay sa reserve list player ng kanyang kauna-unahang panalo matapos ang apat na laro, ngunit ang ikalawang laro ay siniguro ng 1998 World 9-ball champion na di makawala sa kanyang mga kamay ng kanyang bawian ang Indonesian cue artist na si Robby Suarly, 5-2 upang itala ang 2-1 record.

Hawak ni Antonio Lining, nanalo noong nakaraang taon sa Japan Open ang pangunguna sa Group 14 nang kanyang tumbukin ang 3-1 record matapos na igupo si Jeremy Jones ng Amerika, 5-3 bagamat natalo sa German na si Thomas Engert, 1-5.

Bagamat natalo kay Chris Melling ng England sa mahigpitang laban, 4-5, nakausad pa rin si Ramil Gallego sa second round nang kanyang gantihan si Andy Battams ng England sa iskor na 5-1 na nagkaloob sa kanya ng 2-1 record.

Nananatili namang buhay ang pag-asa ng beteranong si Antonio Lining na mapasama sa susunod na round nang kanyang gapiin si Tommy Donlon ng Ireland, 5-1 bu-nga ng kanyang iniingatang 3-1 slate.

Sa wakas, nakapasok na rin si Warren Kiamco sa win column nang umiskor ito ng panalo kontra Joe Johnson ng England, 5-2 na nagkaloob sa kanya ng panibagong tsansa na mapasama sa susunod na round sanhi ng 3-1 record.

Umaasa si Reyes na maduduplika niya ang kanyang panalo sa pina-kamayamang torneo na ito noong 1999 kung saan isa sa kanyang kinukunsiderang mahigpit na kalaban ay ang Amerikanong si Earl Strickland.

Kailangan nina Luat at Kiamco ng karagdagang lakas upang malusutan ang kanilang mga susunod na kalaban matapos na di maganda ang kanilang panimula, habang nakakasiguro naman sina Reyes, Bustamante, Lining, Andam at Gallego na makakasama sa susunod na round. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ADMIRAL WORLD POOL CHAMPIONSHIP

ANDAM

ANDY BATTAMS

ANTONIO LINING

BUSTAMANTE

CHRIS MELLING

EARL STRICKLAND

KANYANG

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with