^

PSN Palaro

Solo liderato tangka ng JRU Heavy Bombers sa NCAA Basketball Tournament

-
Ikatlong panalo na maghahatid sa solong pangunguna ang nais na sikwatin ng Jose Rizal University sa kanilang nakatakdang pakiki-paglaban kontra sa University of Perpetual Help College sa pagbabalik ng aksiyon sa 77th NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Inaasahang gagawing alas ng Heavy Bombers sa kanilang nakatakdang pang-alas-5 ng hapong sultada ng Altas ay ang mataas na morale bunga ng kanilang huling panalo.

Naiposte ng JRU ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay matapos na pabagsakin ang Mapua Cardinals, 62-56 noong nakaraang Huwebes na nagbigay sa kanila ng karapatang samahan ang defending champion St. Benilde sa liderato bunga ng magkawangis na 2-0 win-loss slate.

Sa labang ito, umaasa si coach Boy de Vera na malalapatan na ng lunas ang bahagya nilang pagkukulapso upang palakasin ang kampanya ng Heavy Bombers na tagpasin na ang kanilang 29-taong pagkauhaw sa korona sa pinakamatandang liga sa bansa.

At muli, aasahan ni de Vera ang mga balikat ng kanyang manlalaro na sina Nani Epondulan, John Dale Valena, Nathaniel Gregorio, Joel Finu-liar at Ariel Capus na muling magpapamalas ng matinding determinasyon upang mapanatiling walang dungis ang kanilang katayuan.

Isa sa magiging problema ng Perpetual ay ang pagkawala ng kanilang lehitimong sentro na naging dahilan ng kanilang unang talo matapos ang dalawang laro.

Sa ikalawang seniors game, tangka naman ng Stags na maitala ang kanilang ikalawang sunod na panalo kontra sa Cardinals sa alas-2 ng hapon matapos ang upakan ng kanilang junior counterpart sa alas-12 ng tanghali.

At sa huling junior games, maghaharap naman ang Light Bombers at Altalletes sa alas-3:30. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ARIEL CAPUS

HEAVY BOMBERS

JOEL FINU

JOHN DALE VALENA

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KANILANG

LIGHT BOMBERS

MAPUA CARDINALS

MARIBETH REPIZO

NANI EPONDULAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with