Warriors nilapa ng Bulldogs

Isang malaking sorpresa ang itinala ng National University nang kanilang yanigin ang University of the East, 94-74 upang itala ang kanilang unang panalo sa 64th season ng UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum kaha-pon.

Isang mainit na 20-0 bomba ang pinasabog ng Bulldogs sa third canto upang iposte ang 66-48 kalamanganan hindi na nila binitiwan pa.

Higit pang lumaki ang bentahe ng Bulldogs nang magtulungan sina Archen Cayabyab, Gilbert Neo at Ariel de Castro na tumibag ng 20 puntos sa pagsapit ng final canto patungong 27 puntos na kalamangan, 82-55, may 6:20 ang oras.

Sa juniors division, tinalo ng Ateneo de Manila University ang De la Salle University, 77-66.

Show comments