^

PSN Palaro

Cebu babawian ng Batangas sa MBA First Phase

-
Sisikapin ng LBC Batangas na maipadama ang kanilang paghihiganti sa muli nilang pagtitipan ng Cebuana Lhuillier sa mismong balwarte ng Blades sa pagbabalik ng MBA First Phase.

Nakatakda ang paghaharap ng Blades at Gems sa alas-5:30 ng hapon sa De La Salle-Lipa Gym kung saan tangka ng Blades na maisukbit ang kanilang ikaanim na panalo sa walong pakikipaglaban upang mapaganda ang kanilang katayuan.

Sa unang paghaharap, tinalo ng Gems ang Blades, 96-90 sa lupain naman ng Lhuillier kung kaya’t matindi ang pagnanasa ng Blades na sila naman ang manalo nga-yon.

Ngunit siguradong mahihirapan ang Blades sa kanilang misyon dahil nais rin ng Gems na mapalakas ang kanilang kampanya upang manatiling nakadikit sa lider na Negros na may 8-3 win-loss slate.

Sa kasalukuyan, nag-iingat ang Gems ng 7-3 record katabla ang pahingang San Juan para sa ikalawang puwesto.

Posibleng di pa rin magamit ngayon ni coach Nash Racela ang kanilang Fil-Am na si Stephen Antonio na nagkaroon ng back spasms dahilan upang di makalaro noong Biyernes.

Kaya’t kailangan nina Rommel Adducul, Eddie Laure, Alex Compton at Tonyboy Espinosa na gumawa ng eksplosibong performance upang tapatan ang frontliner ng Gems sa pangunguna nina Matt Mitchell, Willie Mejia, Homer Se, Jan Montalbo at Melvin Taguines.

Sa unang laro, sisikapin naman ng Negros Slashers na maitala ang kanilang ikasiyam na panalo sa kanilang pakikaglaban kontra sa Nueva Ecija sa alas-3 ng hapon na ang aksiyon ay dadako sa bal-warte ng Slashers sa USLS Gym sa Bacolod City.

vuukle comment

ALEX COMPTON

BACOLOD CITY

CEBUANA LHUILLIER

DE LA SALLE-LIPA GYM

EDDIE LAURE

FIRST PHASE

HOMER SE

JAN MONTALBO

KANILANG

MATT MITCHELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with