Solo liderato nais ng negros na makuha sa sariling balwarte
July 13, 2001 | 12:00am
Ibig ng Negros Slasher na maduplika ang kanilang pamamayani sa sariling balwarte kontra sa Laguna na muling maglalagay sa kanila sa solong liderato ng MBA First Phase ngayon.
Unang tinalo ng Slashers ang Lakers sa iskor na 103-83 sa Sta. Cruz, Laguna noong Hulyo 1 at kumpiyansa ang Negrenses na muli nila itong matatalo sa University of St. La Salle Gym sa Bacolod City sa kanilang nakatakdang pang-alas-5:30 ng hapong sultada.
Siguradong matindi ang hangarin ng Slashers na maipanalo ang kanilang laban ngayon upang makabawi mula sa kanilang natamong huling kabiguan kontra sa San Juan Knights, 84-81, ngunit di rin nakakatiyak ang Negros dahil gaya nila nais rin nilang makaganti mula sa naging pagkatalo sa mga kamay ng Cebuana Lhuillier, 116-104.
Aasahan ng Lakers ang serbisyo nina Jefrrey Flowers, Val Domingo, Randy Lopez at Chris Nicdao upang iangat ang Lakers, pero tiyak na tatapatan naman ito nina John Ferriols, Reynel Hugnatan, Cid White at Leo Batog.
Nauna rito, ikalimang panalo ang puntirya ng Batangas Blades sa kanilang nakatakdang engkuwentro ng Socsargen Marlins sa alas-3 ng hapon na dadayo sa Tinga gym sa Taguig.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am