^

PSN Palaro

Red Robbins nagsimulang mag-init

-
Naging magaan ang panalo ng defending champion Mapua Institute of Technology kahapon kontra sa University of Perpetual Help-Rizal, 74-39 sa pagsisimula ng kanilang kampanyang idepensa ang titulo sa juniors division ng NCAA basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Bumandera si Paul Dhanru Gonzalgo na umiskor ng 10 puntos sa pagbubukas ng Robin at ito’y lumobo sa 38 puntos, 3:37 ang nalalabing oras sa laro.

Ang tanging pinakamalapit na nagawa ng Altalettes ay ibaba ang kanilang agwat sa 30-48, 1:51 ang oras sa third quarter ngunit muling inilayo ng Mapua ang kanilang agwat at di na nakaporma pa ang Perpetual.

Nauna rito, naitakas na-man ng San Sebastian Stag-lets ang 79-77 pamamayani kontra sa Jose Rizal University sa pamamagitan ng kabayanihan ni June Dizon na umiskor ng dalawang free throws mula sa foul ni Mark Beran sa huling 3.3 segundo ng labanan na sumiguro ng tagumpay.

Lamang pa ang Light Bombers sa 77-74 patungong huling 14.7 segundo ng labanan nang ma-intercept ni Dizon ang pasa ni Danilo Diola para kay Beran na nagdala kay Dizon sa free throw lane. (Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

CARMELA OCHOA

DANILO DIOLA

DIZON

JOSE RIZAL UNIVERSITY

JUNE DIZON

LIGHT BOMBERS

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MARK BERAN

PAUL DHANRU GONZALGO

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with