Hindi pinaporma ni Angeles ang Batangueños nang magpamalas siya ng mahusay na paghagis kung saan nagtala sila ng 14 shot sa pitong inning na siyang naging tuntungan ng ILLAM sa kanilang panalo.
Pansamantalang natigil ang sagupaan sa pagitan ng multi-titled Philab at many times UAAP champion Adamson sanhi ng pagbuhos ng malakas na ulan.
Lamang ang Ballbusters sa Falcons, 13-2 nang itigil ng chief umpire ang naturang laban sa ikalimang inning dahil sa ulan na dahilan upang maging maputik ang laruan.
Ito ang ikalawang panalo ng ILLAM matapos ang tatlong asignatura kung saan sa bawat inning ay kumana sila ng runs maliban lamang sa second frame nang manatili si Tristan Morada sa ground matapos na mapagretiro ang tatlong batters na kanyang nakaharap.
Pero desidido talaga ang Makati-based cloutters nang magpakawala ng pitong runs mula sa apat na hits, limang run sa fourth inning mula sa singles nina Randy de Leon, Lindsay Mecono, PJ Dimal at Paolo Prieto.
Maagang kinuha ng Lipa city ang trangko sa first inning ng umabante sila sa 2-1. Ngunit hindi ito nasustinihan ng Batangueños sa mga sumunod na innings.
Naagaw ng ILLAM ang upuan ng kumana ng tatlong hits, dalawang run sa third inning na hindi na nagawa pang lingunin ng kalaban.