Balik-aksiyon sa Presidential Cup
July 7, 2001 | 12:00am
Kung magpapatuloy ang magandang kundisyon ng panahon, magbabalik ngayon ang aksiyon sa 12th Philippine Amateur Baseball Association (PABA) Presidential Cup tournament na may nakatakdang tatlong laro.
Ipagpapatuloy ng titlist Navy at Air Force ang kani-kanilang kampanya sa magkahiwalay na kalaban upang mapanatiling malinis ang kanilang record.
Haharapin ng four-time champion Sea Dragons ang UAAP Alumni-backed Titans na may 1-0 record sa unang laro bandang alas-12 ng tanghali sa Group A.
Susunod naman na magpapakita ng galing ang Air Force na may 2-0 record sa Group B kontra sa UAAP champion University of the Philippines na may 1-0 karta sa isa pang senior match sa alas-2:30 ng hapon.
Hangad din ng ILLAM (International Little League Association of Manila) na mapanatiling matatag sa kanilang katayuan sa nakatakdang pakikipagluan sa Toto Baseball selection sa nag-iisang laro sa 18-under (AAA) sa alas-9:30 ng umaga.
Unang tinalo ng ILLAM ang Philab, 4-3, dalawang linggo na ang nakakaraan.
Dahil sa kanilang dominasyon sa anim na tournament kung saan apat dito ang kanilang naibulsa, mahigpit na paborito ang Navy na manalo sa Titans.
Bukod dito, nasa Sea Dragons rin ang limang national players na kinabibilangan ng magkapatid na Orlando at Joel Binarao at isa pang mahusay na reliever na si Roel Empacis na isa ring national player.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended