Tumulong si Manny Dandan sa coaching staff at nag-recruit ng mga bagong rookies sa pag-sabak ng NU Bulldogs sa University Athletics Association of the Philippines na armado lamang ng tapang at determinasyon.
"These guys are not your usual superstars when they came in. But they were role players who worked hard every day to get where they are now," ani Dandan, dating UP Maroons na nag-alok ng kanyang tulong sa NU, apat na taon na ang nakaraan nang mawala sa Bulldogs sina Danny Ildefonso at Lordy Tugade na umakyat na sa pro-loop.
Walang nagawa kundi magkasya na lamang ang NU kung ano ang mayroon at ito ay kanilang pinalakas para sa ika-64th season ng UAAP na magbubukas sa July 14 sa Araneta Coliseum.
"Ito na ‘yung last chance namin to make a statement. We really want to make the most out of it. Next year, the core will be graduating already and it will be time to rebuild again. So ito na yung huling push para sa batch na ito," paliwanag ni Dandan.
Ang core ng Bulldogs ay binubuo nina Jeff Napa, Alfie Grijaldo, Archen Ca-yabyab, Chico Manabat, Gilbert Neo at Ariel de Castro at ang apat na rookies ang inaasahang magbibigay ng karagdagang tulong sa koponan.
"We’ve matured coming from last year. We’re more cohesive. Nakabuti sa amin yung participation namin in national tournaments at we even won an inter-collegiate title," ani pa ni Dandan.
Isang run-and-gun team ang Bulldogs ngayon na sasandal sa bilis at liksi kontra sa kanilang mga kalaban.
Si Napa ay isang pure shooter na kumakana ng perimiter jumpshots habang si Cayabyab naman ay slasher.
"We’re going to run a lot. We like to score off the break and put ourselves in a situation to score quick baskets," wika pa ni Dandan na umaasang ang transition game ay lulukob sa kawalan ng NU ng malaking tao na naging problema ng NU nang mawala sina Ildefonso at Tugade.
"We’re going to have problems with our defense and rebounding kasi we lack the size to match up against big schools. But we’ve made plans to counter that," ani Dandan.