^

PSN Palaro

Laguna, Palicte bigo

-
BANGKOK -- Matinding kabiguan ang natikman ng team Philippines noong Miyerkules ng gabi nang matalo sina Vincent Palicte at Roel Laguna sa 24th King’s Cup International Amateur Boxing Championships dito.

Yumukod si Palicte sa Russian pug sa iskor na 9-13 sa kanilang flyweight quarterfinals bout, habang pinatalsik naman si Laguna ng Pakistani sa puntusan sa featherweight division.

Ang dalawang kabiguan ng bansa ang nagbigay kulimlim sa kampanya ng bansa kung saan isa na lamang ang pag-asa ng Pinoy kundi si light flyweight Juanito Magliquian na siyang magsasalba sa kahihiyan ng Pilipinas na sasabak sa gold medal bout.

Sa katunayan, si Magliquian ay nakakasiguro na ng bronze medal at kaya ito sa ibabaw ng lona sa Biyernes para sa ginto.

"Sorry sir, nabigo tayo," wika ni head coach Orlando Tacuyan sa isang overseas call kay ABAP president Manny Lopez. "Maganda ang naging laban pero talagang magulang yung Russian at inexperienced si Palicte."

Dismayado rin si assistant coach Roberto Jalnaiz sa nalasap na pagkatalo ni Laguna na ayon sa kanya ay mas maganda ang kanyang mga judges scoring.

"Yung Pakistani, sampal ang suntok at puro sa gloves ni Laguna tumatama pero binibigyan ng iskor ng mga judges. Pag si Laguna naman ang tumatama, walang puntos o kaya ay atrasado ang pindot kaya hindi nag-register," ani pa ni Jalnaiz.

CUP INTERNATIONAL AMATEUR BOXING CHAMPIONSHIPS

JUANITO MAGLIQUIAN

MANNY LOPEZ

ORLANDO TACUYAN

PALICTE

ROBERTO JALNAIZ

ROEL LAGUNA

VINCENT PALICTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with