UST binugbog ng Army

Humataw ang Army ng tigatlong runs sa fourth at fifth inning upang bugbugin ang Santo Tomas University, 13-7 at manatiling kasosyo sa liderato sa 12th PABA Presidential Cup tournament sa Rizal ballpark.

Naghahabol mula sa 4-7 sa third inning, umahon ang Rangers sa ikaapat na frame nang magpamalas ng mahusay na performance ang mga beteranong sina Fidel Moncera na kumana ng dalawang runs sa single kung saan naka-iskor rin ang kanyang teammate na si Edwin Mercado mula sa error.

Ang panalong ito ng Army ay sapat na para maka-sosyo ang Tigers sa 1-1 sa Group B sa likod ng Air Force na may malinis na 2-0 record.

Nauna rito, pinayuko ng Philab ang Ateneo, 9-4.

Show comments