^

PSN Palaro

UP Maroons may magandang kinabukasan ngayon

-
Kung ikukumpara sa mga naga-nap noong nakaraang taon sa mga magaganap sa ngayon sa University of the Philippines Fighting Maroons team, sinabi ni coach Ryan Gregorio na mas mahusay na koponan ang kanyang naihulma ngayon.

At sa pagbubukas ng 64th season ng UAAP seniors basketball tourney sa Hulyo 14 sa Araneta Coliseum, mayroong tatlong importanteng bagay ang UP Maroons ngayong taon mas higit na preparado, mayroong lehitimong sentro at kumpiyansang makakatapos ng maganda.

At ang tatlong nabanggit ang isa sa malaking dahilan ni Gregorio kung bakit sinabi nito na may magandang kinabukasan ang kanyang koponan.

"I was appointed coach, kasi last year, mga two weeks before the start of the actual tournament, so obviously we didn’t have the kind of preparation we had like this year," pahayag ni Gregorio kung saan ang kanyang tropa ay tumapos na katabla sa ikaanim na puwesto noong nakaraang taon na may 4-10 kartada.

Sinabi pa ng batang mentor, umaakto rin bilang assistant ni Eric Alta-mirano sa Purefoods sa PBA, na ang kakulangan ng kanilang preparasyon ang isa sa dahilan kung bakit naging matamlay ang kampanya ng Maroons sa nakaraang taon.

At ngayon, seryoso ang UP sa kanilang kampanya kung saan tuma-pos ito ng ikalawang puwesto sa likod ng MLQU sa Philippine Youth Basketball League at maganda rin ang kanilang showing sa Fr. Martin’s Cup nang pumangatlo sa kanilang grupo. Tinalo rin ng Maroons sa kanilang grupo ang Top 2 teams--FEU at San Sebastian--nang sila ay umusad sa semifinals.

"With the kind of preparation we had, hopefully by the time the actual UAAP tournament starts, meron na kaming confidence to win games especially in the endgame," ani Gregorio na nagsabi pa na posibleng makapasok ang UP sa semis round ngayong taon.

"The Final Four is always a dream. Pero ngayon I think that’s attainable with the kind of confidence we built during the pre-season," paliwanag ni Gregorio. "Nag-mature na ang laro ng karamihan ng players."

"And actually ang isang kulang lang talaga namin last year yung inside presence," wika pa ni Gregorio.

Ang pagkakahugot ni Gregorio sa 6-foot-4 na si Kenneth Robin ang naging dahilan upang maresolbahan ang kaku-langan ng UP.

"Kenneth is a stocky. Noli Locsin-type of post player but with perimeters shooting. He’s not going to dominate yet. I’m giving him mga two to three years pa siguro but I’m sure he’ll be a big help to us this year," sabi pa ni Gregorio.

Ang iba pang inaasahan ng UP ay sina Patrick Madarang, Mike Bravo, Robson Bornancin, Mark Jomalesa at Xavier Nunag.

Ang iba pang bubuo sa lineup ng Maroons ay sina Vicente Arnaiz Jr., Toti Almeda, Jireh Ibañez, Bruce Quebral, Alberto Guidaben Jr., Josant Cervantes, Rodel Celo, Abby Santos, Rebullida Jr., at ang kanilang nag-iisang rookie na si Gino Ferrer.

ABBY SANTOS

ALBERTO GUIDABEN JR.

ARANETA COLISEUM

BRUCE QUEBRAL

ERIC ALTA

GREGORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with