^

PSN Palaro

Kahit walang star player palaban pa rin ang Letran

-
Bagamat nawala ang mga star players ni coach Binky Favis, kilala pa rin ang Letran na may malaking puso at posibleng makapagbigay ng mabigat na laban sa iba pang koponan sa pagbubukas ng 77th season ng National Collegiate Athletic Association basketball men’s tournament sa Hulyo 7 sa Araneta Coliseum.

Hindi na maaasahan ng Knights ang serbisyo nina slotman Orlan Tama at mahusay na pointguard John Paul Sangco sanhi ng kanilang problema sa klase kung saan tanging apat na manlalaro na lamang ang aasahan ni Favis--sina Jason Misolas, Billy Moody, Aldin Ayo at Paul Anthony Moreno.

Anim sa kanyang alagad ay pawang mga sophomores--sina Harold Sta. Cruz, Ren Syhongpan, Dale Santos, Carlo Sillona, Kristoffer Reyes at Marco Garcia, habang ang nalalabi ay pawang mga roo-kies--sina Ismael Junio, Mark Kong at Ronjay Enrile.

Gayunman, hindi nag-aalala si Favis at nagpahayag siya ng pag-asa na ang matinding determinasyon at teamwork ang siyang magdadala sa magandang kapalaran ng Letran.

"Looking at it, medyo humina ang line-up. Wala kaming PBL stars. Just like last year, we have prepared long but it turned out a rollercoaster since we learned some players couldn’t make it to the list just two weeks before the opening," pahayag ni Favis.

"It left me forced to work on just an eight-man rotation. But it could be a blessing in disguise since the ones left have the hearts and the heart could be our strongest weapon this season."

"Dahil walang stars, I’m sure lahat pupukpok this year and I am confident that our veteran seniors will work their hearts out just before they leave," paliwanag pa ni Favis.

Sinabi ni Favis na hindi na makakapaglaro ang kanilang beteranong point guard na si Nicolas Pacheco na isa sa naging susi ng Letran sa kanilang back-to-back crowns dahil nagpapagaling pa ito sa kanyang ACL injury na nag-sideline sa kanya noong nakaraang season.

Kinukunsidera ni Favis na ang St. Benilde College pa rin ang team to beat dahil sa intact pa rin ang kanilang lineup gayundin ang San Sebastian College at Jose Rizal.

Subalit sinabi nito na posibleng manilat rin ang Perpetual Help-Rizal na siguradong punong-puno ng surpresa.

"Chances are 50-50, but boys are in high morale we could make it to the semifinals. The first game will be a good gauge. If we make it, then chances could be better."

ALDIN AYO

ARANETA COLISEUM

BILLY MOODY

BINKY FAVIS

CARLO SILLONA

DALE SANTOS

FAVIS

HAROLD STA

LETRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with