^

PSN Palaro

Laguna babawian ng Negros sa MBA First Phase

-
Sisikapin ng Negros Slashers na maiposte ang kanilang ikaanim na panalo na muling maglalagay sa kanila sa pakikisosyo sa liderato sa nakatakdang pakikipagharap kontra sa Laguna sa MBA First Phase ngayon sa San Luis Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.

Inaasahang matinding opensa ang ilalabas ng Slashers sa kanilang nakatakdang alas-5:30 ng hapong banatan ng Lakers upang makabawi mula sa kanilang 105-101 pagkatalo sa mga kamay ng Davao Eagles noong Biyernes na dahilan upang malaglag sila sa ikalawang puwesto sanhi ng 5-2 win-loss slate.

Ngunit tiyak na mahigpit na hamon ang susuungin ng Negros, dahil sa inilalaro ngayon ng Lakers mas higit na mataas ang kanilang kumpiyansa matapos na maitala ang dalawang sunod na panalo na ang huli ay sa mga kamay ng Cebu Lhuillier, 100-95.

Muling sasandigan ni coach Bonnie Garcia ang mga balikat nina Jeffrey Flowers, Chris Clay, Richard Melencio at Biboy Simon upang mapaganda ang kartada ng Laguna na nasa ikalimang puwesto sanhi ng 2-2 record.

Nauna rito, Maghaharap naman ang Davao at Socsargen sa unang laro dakong alas-3 ng hapon.

Siguradong hahataw ng todo ang Socsargen upang makaahon na mula sa kanilang kulelat na katayuan bunga ng 0-6 karta.

Ngunit hindi ito madaling gawin para sa Marlins dahil nais rin ng Eagles na masundan ang kanilang unang panalo sa anim na laro kung kaya’t siguradong makikipagsabayan sila sa opensa.

BIBOY SIMON

BONNIE GARCIA

CEBU LHUILLIER

CHRIS CLAY

DAVAO EAGLES

FIRST PHASE

JEFFREY FLOWERS

NEGROS SLASHERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with