Ito ang paglalarawan ni coach Dong Vergeire sa College of St. Benilde sa kanilang kampanya sa ikalawang sunod na korona sa pagbubukas ng 77th National Collegiate Athletic Association basketball season na nakatakdang magbukas sa Sabado sa Hulyo 7 sa Araneta Coliseum.
Itoy sa dahilang ang bawat koponan na kasali sa pinakamatandang liga sa bansa ay nagsagawa ng kani-kanilang mahigpit na preparasyon upang maigupo ang Blazers.
Gayunman, sinabi ni Vergeire na nakahanda ang kanyang koponan na harapin ang lahat ng matinding hamon.
"Kung last year kami ang hunters, this time kami ang hunted. But we are ready for that. I guess we have pretty good chances since we still have an intact line-up," ani Vergeire.
At sa ilalim ng pamumuno ng skipper na si Manuel Diloy III, umaasa si Vergeire na makapagpapakita ang Blazers ng intensidad sa likod ng soli-dong core nina Allan Capati, Mark Magsumbol, Sunday Salvacion, Alexander Magpayo at Jan Anthony Coching.
Susuporta sa kanila sina Bernardino Perlas, Sonny Castro, Jon Dan Salvador, Estilitus Mendoza at ang nagbabalik na si Romar Menor. Nakahugot rin siya ng mahuhusay na rookies na sina Carlos at Verman Reyes kapalit ni Lapinid na nasibak sa listahan.
"I wouldnt say we are still the team to beat. I believe the competition is more balanced this year and every other team made their respective build-ups," ani Vergeire.
"Yung team din di pa gaanong mature dahil most of them are sophomores. Each one of them has their respective roles to play. The problem is, if any one plays below par, masisira ang rotation ko, masisira ang sistema ko, So everybody has to contribute," dagdag nito.
Tumanggi ring magbigay ng komento si Vergeire sa pagkakatalsik ni Lapinid sa koponan matapos itong lumaro sa PBL bagamat nasa ikalawang taon pa lamang ito sa NCAA na labag sa eligibility requirement ng NCAA.
"Im not the best person to talk on Lapinids case. My job is to recommend 15-players to the line-up and its all in the hands of the NCAA ManCom to decide who are eligible to play," paliwanag ni Vergeire.