Pagkapit sa liderato puntirya ng SMB at Alaska
June 29, 2001 | 12:00am
Mamintina ang kapit sa pangkalahatang pamumuno ang layunin ng defending champion San Miguel Beer at Alaska Aces sa kanilang magkahiwalay na laro sa pag-usad ng eliminations ng PBA Commissioner’s Cup sa PhilSports Arena.
Makakabangga ng Alaska ang Barangay Ginebra sa pambungad na laban sa ganap na alas-5:15 ng hapon at ang Sta. Lucia Realty naman ang makakasa-gupa ng SMBeer sa main game dakong alas-7:30 ng gabi.
Magkasalo sa pamumuno sa kasalukuyan ang Beermen at Aces sa kanilang taglay na 4-1 panalo-talo ngunit magkaibang kapalaran ang kanilang dinanas sa kani-kanilang huling laro.
Ang San Miguel ay galing sa 84-71 pamamayani kontra sa Mobiline Phone Pals noong Biyernes kung saan kanilang diniskaril ang pagbabalik laro ng Tongan na si Paul Asi Taulava na kinilala ng Pinoy matapos bigyan ng certification of confirmation ng department of Justice.
Taliwas naman ito sa naging kapalaran ng Aces dahil matapos ang apat na sunod na tagumpay, nalasap ng Alaska ang kanilang kauna-unahang pagkatalo kontra sa Tanduay Gold Rhum, 81-87 noong Linggo.
Sa araw na ito, magsisimula naman si Alfrancis Chua sa panunungkulan bilang consultant upang magbalik ito sa PBA at sumanib sa kampo ng Realtors dahil sa pagtulong sa kanya ni Sta. Lucia Realty team manager Buddy Encarnado na mabayaran ang kabuuan ng kanyang kontrata sa Tanduay Gold Rhum kung saan pinalitan ito ni Dereck Pumaren noong nakaraang taon bagamat di pa tapos ang kanyang kontrata.
Inaasahang magde-debut naman ngayon si Jerald Honneycut bilang kapalit ni Ryan Fletcher matapos nitong mabigong ihatid sa panalo ang Gin Kings noong Sabado.
Bagamat matagal nang nasa bansa si Hon-neycut, pinagbigyan pa ng Ginebra management si Fletcher nang magpakitang gilas ito sa 96-82 pamamayani ng Gin Kings kontra sa Tanduay Gold Rhum kung saan muntik na itong naka-triple double.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am