SJ Knights panalo sa Marlins sa MBA First Phase

Sta. Cruz, Laguna-Higit pang ibinaon ng San Juan Knights sa miserableng katayuan ang Socsargen Marlins nang kanilang ipalasap ang ikaanim na pagkatalo nito sa pamamagitan ng 114-90 panalo kahapon sa MBA First Phase sa San Luis Sports Complex dito.

Bumandera sina Chris Calaguio, Danny Capobres at Bruce Dacia sa huling bahagi ng laro upang itala ang ikatlong panalo ng Knights matapos ang limang laro.

Humakot si Calaguio ng 23 puntos sa second half upang iposte ang game-high 33 puntos, habang nagdagdag naman sina Capobres ng 21 at 20 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Show comments