Tampok ang temang "Revitalizing the Heritage of Sports" kung saan ang pinakamatandang cagefest sa bansa ay iho-host ng Philippine Christian University.
Ang pagkawala ng tatlong prominenteng manlalaro ng Altas, na sina Jojo Manalo, nahirang na Finals MVP ng PBL Challenge Cup champion Welcoat Paints team, Montana guard Milo Bonifacio at Socsargen Marlins center Arnel Mañalac na nagtapos na ng kanilang kurso, agad na nakahanap si coach Bay Cristobal ng alternatibong paraan para maresolbahan ang kanilang butas sa pagkuha ng pitong bagito ngunit mahuhusay na manlalaro na inaasahan ng koponan na siyang makapagbibigay sa Altas na makapasok na sa final four at gayundin sa titulo na naging mailap sa kanila sa nakalipas na 16 taong pagsali sa liga simula noong 1985.
Siguradong magpapakitang gilas ang 5’10 point guard na si Ronald Hawkins, nakakabatang kapatid ng dating manlalaro ng Altas at ngayon ay nasa koponan na ng Tanduay Gold Rhum na si Bong Hawkins, 5’8 Fil-Am point guard James Quiazon, 6’1 Bulakeño April Alejandro, 6’0 tubong Laguna na si Joseph Borjal, 6’1 Pampangueño Marcel Cuengco, Julius Romulo at 6’0 Mark Tayer ang inaasahang magbibigay ng malaking suporta sa pitong datihang manlalaro ng UPHR.
Sasandigan din ni Cristobal ang mga balikat ng dalawang beterano ng PBL na sina Challenge Cup conference MVP Chester Tolomia at Gilbert Malabanan ng Shark Energy Drinks kasama ang limang players na sina Anthony Cosme, NBL players at 6’2 na si Jason Jensen, 6’0 guard Ralfy Ibrahim ng Jaspage, Amed Paglas at Roderick Ko.