^

PSN Palaro

UPHR Altas umaasa ng malaki sa 77th season ng NCAA

-
Umaasa ang reinforced University of Perpetual Help Rizal (UPHR) Altas senior basketball team na kilala bilang "giant killers’ na muling makababalik sa dati nilang porma sa pagparada ng kanilang lineup na tinatampukan ng pitong rookies sa pagbubukas ng 77th season ng National Athletic Association (NCAA) Basketball tournament sa Hulyo 7 sa Araneta Coliseum.

Tampok ang temang "Revitalizing the Heritage of Sports" kung saan ang pinakamatandang cagefest sa bansa ay iho-host ng Philippine Christian University.

Ang pagkawala ng tatlong prominenteng manlalaro ng Altas, na sina Jojo Manalo, nahirang na Finals MVP ng PBL Challenge Cup champion Welcoat Paints team, Montana guard Milo Bonifacio at Socsargen Marlins center Arnel Mañalac na nagtapos na ng kanilang kurso, agad na nakahanap si coach Bay Cristobal ng alternatibong paraan para maresolbahan ang kanilang butas sa pagkuha ng pitong bagito ngunit mahuhusay na manlalaro na inaasahan ng koponan na siyang makapagbibigay sa Altas na makapasok na sa final four at gayundin sa titulo na naging mailap sa kanila sa nakalipas na 16 taong pagsali sa liga simula noong 1985.

Siguradong magpapakitang gilas ang 5’10 point guard na si Ronald Hawkins, nakakabatang kapatid ng dating manlalaro ng Altas at ngayon ay nasa koponan na ng Tanduay Gold Rhum na si Bong Hawkins, 5’8 Fil-Am point guard James Quiazon, 6’1 Bulakeño April Alejandro, 6’0 tubong Laguna na si Joseph Borjal, 6’1 Pampangueño Marcel Cuengco, Julius Romulo at 6’0 Mark Tayer ang inaasahang magbibigay ng malaking suporta sa pitong datihang manlalaro ng UPHR.

Sasandigan din ni Cristobal ang mga balikat ng dalawang beterano ng PBL na sina Challenge Cup conference MVP Chester Tolomia at Gilbert Malabanan ng Shark Energy Drinks kasama ang limang players na sina Anthony Cosme, NBL players at 6’2 na si Jason Jensen, 6’0 guard Ralfy Ibrahim ng Jaspage, Amed Paglas at Roderick Ko.

vuukle comment

ALTAS

AMED PAGLAS

ANTHONY COSME

APRIL ALEJANDRO

ARANETA COLISEUM

ARNEL MA

CHALLENGE CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with