Sa MBA First Phase: San Juan babawian ng Davao
June 24, 2001 | 12:00am
Pinapaborang manalo ang Andok’s San Juan Knights kontra sa Davao Eagles sa kanilang alas-5:30 ng hapong sagupaan ngayon sa Metropolitan Basketball Association First Phase sa San Juan gym.
Dinurog ng Knights ang Eagles sa kanilang unang paghaharap noong June 17 at ang tanging inaasahan ay mapaliit ang tambak ng Davao kahit na sisimulan ngayon ni San Juan coach Philip Cezar ang pagsisilbi ng kanyang two-game suspension.
Katabla ang LBC Batangas sa third place taglay ang 3-2 slate, makakalapit ang San Juan sa mga nangungunang Negros at Cebuana Lhuillier na kapwa may 5-1 kartada.
Pinatawan ng one-game suspension si Cezar bukod pa sa P30,000 multa matapos masangkot sa kaguluhan sa kanilang laban kontra sa Cebu Gems noong June 15.
Ipinag-utos ni MBA Commissioner Ogie Narvasa na ang kanyang one-game suspension ay sa June 25, 2001.
Inatasan si assistant coach Allan Borromeo na pangasiwaan ang Knights, ang kasalukuyang national titlists laban kay Davao mentor Jun Noel.
Sa pangunguna ni Rafi Reavis at Omanzie Rodriguez, ang Knights ay may height and heft advantage kontra sa Eagles na lumasap ng apat na sunod na talo matapos ang kabiguan kontra sa Nueva Ecija Patriots noong Biyernes.
Bukod pa rito, higit na malakas ang Knights dahil kina Chris Calaguio, Danny Capobres, Randy Alcantara, Bruce Dacia at Chito Victolero.
Tangka namang bumangon ng FedEx Laguna sa kanilang pakikipagharap sa cellar-dweller na Socsargen sa alas-3:00 ng hapon.
Galing ang Lakers sa back-to-back na pagkatalo, ngunit malakas ang tsansa nilang manalo kontra sa Socsargen.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended