Pacquiao di papayag na patalo kay Ledwaba
June 23, 2001 | 12:00am
LAS VEGAS--Buo na ang plano ng Filipino challenger na si Manny Pacquiao na hindi siya papatalo sa kanyang kalaban na si Lehlo Ledwaba ng South Africa sa kanilang nakatakdang 12-round International Boxing Federation junior-featherweight bout sa MGM Grand sa Sabado (Linggo sa Manila).
"The thought of losing has never entered my kind," ani Pacquiao sa gabi ng kanilang official weigh-in para sa undercard ng Oscar De La Hoya-Javier Castillejo headliner na tinaguriang "The Quest."
Si Pacquiao at Ledwaba, kasama sina De La Hoya at defending world boxing council super-welterweight champion na si Castillejo ay umakyat sa stage noong Biyernes sa EFX Theather sa loob ng MGM Grand.
Mula ngdumating dito si Pacquiao noong Martes, nananatiling mataas ang kanyang spirit di gaya ng ilang mga Filipino boxers na miserableng naki-paglaban dito sa mga nakalipas na taon.
Sa labang ito, walang tsansa ang kaliweteng si Pacquiao na ma-knockout si Ledwaba, kapalit ng orihinal na kalaban ng Pinoy na si Enrique Sanchez ng Mexico. Si Sanchez ay lumasap ng hiwa habang nagte-training.
Dalawang araw bago ang pinkahihintay na US debut ni Pacquiao, naging maganda ang timbang ng Pinoy pug na may timbang na 122 lbs.
Hawak ni Pacquiao ang dalawang pulgadang bentahe sa taas kontra sa Africanong titleholder na magsasagawa ng kanyang ikalawang laban sa Amerika.
Ito ang ika-aanim na pagdedepensa ng 29-anyos ng kanyang korona, ngunit naniniwala ang 22-gulang na si Pacquiao na dumating na ang tamang oras para sa kanya.
"I am in terrific condition," pahayag pa ni Pacquiao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 25, 2024 - 12:00am