Itataya ng defending champion Navy ang kanilang titulo sa ikaapat na pagkakataon kontra sa siyam na iba pang koponan sa pangunguna ng mahigpit nilang karibal na Army, Air Force, collegiate squads gaya ng Ateneo, Adamson, Santo Tomas, University of the Philippines, La Salle, La Salle Alumni at dating titlist Philab.
Kasabay rin ng pagbubukas ng Presidential Cup ang pagpalo ng 4th AAA 18-under tournament na may pitong teams na kalahok sa pamumuno naman ng Tanauan, ILLAM (International Little League Association of Manila), Rizal High-Pasig, Philab, selection mula sa tot baseball association of the Philippines, Santo Tomas at Lipa.
Inimbitahan si PSC Commissioners Ritchie Garcia na maging panauhing pandangal sa opening ceremonies sa alas-10:30 ng umaga kasama ang dalawang Amerikanong coaches mula sa major league coaches na sina Jim Ramos at Dennis Bonebreak.
Matapos ang maikling seremonyas, agad na isasabak ang sagupaan sa pagitan ng Air Force ballbusters at Navy Sea Dragons sa alas-2:30 ng hapon.
Ang format ng tournament ay isang single round elimination kung saan ang 10 koponan ay hinati sa dalawa at ang top two teams sa bawat grupo ang siyang uusad sa cross-over semifinals at ang mananalo dito ang siya namang maghaharap para sa best-of-five series.