Ika-6 na panalo asam ng Negros vs Cebu sa MBA First Phase
June 22, 2001 | 12:00am
Ibig ng Negros Slashers na maduplika ang kanilang panalo sa nakatakdang pakikipag-harap kontra sa Cebuana Lhuillier Gems upang higit na mapatatag ang kanilang kapit sa solong liderato ng MBA First Phase na ang aksiyon ay dadako sa Cebu City Coliseum ngayon.
Itinala ng Slashers ang kanilang ikalimang sunod na panalo nang kanilang unang igupo ang Gems, 95-91 sa Bacolod City dahilan upang ang Cebu ay mahulog sa pamumuno sanhi ng kanilang 4-1 marka.
Inaasahan na sasabak sa aksiyon ang Slashers na mas angat ang kumpiyansa sanhi ng kanilang 90-79 pamama-yani kontra sa LBC Batangas Blades noong Miyerkules ng gabi.
Ngunit sa pagkakataong ito, siguradong di na pahuhuli ang tropa ng Gems at naitama na nila ang kanilang naging kahinaan sa nakaraan nilang paghaharap ng Slashers at siguradong matinding oposisyon ang ilalabas nila upang makabawi sa nalasap na kabiguan.
Inaasahang isang matibay na frontline ang ipaparada ni coach Tonichi Yturri upang tapatan ang mabilis na back-court ng Negros.
At ito ay nakasalalay sa mga balikat nina Fil-Am Matt Mitchell, Homer Se, Peter Naron at Stephen Padilla, bukod pa ang tulong na puwedeng ibigay ng beteranong si Al Solis kasama sina Jay Montalbo, Roy Lura at Carlos Sayon.
Ngunit siguradong pinaghandaan naman ito ni coach Robert Sison kung kayat kanyang ipantatapat naman ang mga bataang sina John Ferriols, Johnedel Cardel, Ruben dela Rosa, Leo Batog at Dennis Madrid at makapagbibigay naman ng matinding opensa sina Cid White, Reynel Hug-natan, Maui Huelar, Jomar Tierra at Patrick Benedicto upang ihatid ang Negros sa ika-anim na diretsong panalo.
Nauna rito, ikalawang su-nod na panalo naman ang pagsisikapang maiposte ng Nueva Ecija sa kanilang nakatakdang engkuwentro ng Davao Eagles sa alas-3 ng hapon na gaganapin naman sa Araullo Gym sa Cabanatuan City.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended