^

PSN Palaro

Sa ABC Men's Championship Pinoy ka-grupo ng powerhouse China

-
SHANGHAI, China-Nahaharap sa mas mabigat pang pagsubok ang Philippines nang makagrupo nito ang malakas na koponan ng China sa ginanap na draw upang madetermina ang Grouping ng 21st LG Asian Basketball Championship for men na iprinisinta ng Amway sa idinaos na ikalawang press conference para sa event na ito sa Shanghai International Gymnasium Center dito.

Ang naturang draw ay sinaksihan ng mahigit sa 50 sportswriters at photographers mula sa China’s national at local newspapers at kinatawan ng iba’t ibang wire agencies.

Limitado lamang ang Draw/Press Conference na inorga-nisa ng ABC promotions sa kooperasyon ng Asian Basketball Confederation at ng China Basketball Association na isinagawa ni ABC Secretary General Dato Yeoh Choo Hock.

Ibinase ang 16 na koponan sa resulta ng kanilang pag-lahok sa nakaraang championship na ginanap sa Fukuo-ka, Japan mula Agosto 28 hanggang Setyembre 5, 1999 ay inilagay sa kani-kanilang grupo gaya ng sumusunod.

Bukod sa China kasama rin ng Philippines sa Group A ang Hongkong at Middle Asia 2, nasa Group B ang Korea, UAE, Thailand at DPR Korea, nasa Group C ang Saudi Arabia, Kuwait, West Asia 2 at West Asia 1, habang ang Group D ay bubuuin ng Chinese Taipei, Japan, Qatar at Middle Asia 1.

Ang magiging finalists sa championship na ito ang siyang magku-qualify sa 14th World Basketball Championship na gaganapin sa susunod na taon sa Indianapolis, Indiana, USA.

ASIAN BASKETBALL CHAMPIONSHIP

ASIAN BASKETBALL CONFEDERATION

CHINA BASKETBALL ASSOCIATION

CHINESE TAIPEI

GROUP A

GROUP B

GROUP C

GROUP D

MIDDLE ASIA

WEST ASIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with