^

PSN Palaro

Pacquiao umaasang makakalusot kay Ledwaba

-
Sa kabila ng mahigpit na laban na susuungin, umaasa pa rin ang World Boxing Council (WBC) International Super Bantamweight champion Manny Pacquiao na malulusutan niya ito.

At sa darating na Sabado sa Hunyo 23, (Linggo sa Manila) masusubukan na ang tikas ng kamao ni Pacquiao na mapapasabak kontra International Boxing Federation (IBF) junior featherweight champion Lehlohonolo Ledwaba ng South Africa sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sa muling pag-akyat na ito ng Filipino Southpaw mula sa General Santos City, isang babala ang pinakawalan ng 29-anyos na si Lebwaba para sa Pinoy fighter--na ibig niyang tapusin ng maaga ang kanilang laban.

Ayon pa kay Ledwaba, matagal na niyang pinaghandaan ang labang ito upang sa ikaanim na pagkakataon ay maidepensa niya ang kanyang hawak na korona.

"I’m in good shape. I was supposed to face Sanchez but he pulled out so they replaced him with this guy (Pacquiao). I saw a tape of his fight. He’s good, comes out aggresively and I’m pretty sure it would be a good fight," pahayag ni Ledwaba na lumabas sa Internet.

Ang Ledwaba-Pac-quioa 12-round fight ay undercard ng labanan sa pagitan nina Javier Castillejo at four-time world champion Oscar De La Hoya para sa WBC super welterweight championship.

Ngunit para kay Pacquioa, nanatiling buo ang kanyang kumpiyansa dahil matagal na niyang pinangarap ang labang ito at siya ay nasa maganda ring kundisyon.

Hawak ni Ledwaba ang ring rekord na 31-1-1 na ang 22 rito ay pawang mga knockouts, habang may ipinagmamalaki naman si Pacquioa na record na sa 32 niyang laban, dalawa ang talo at 24 ang KOs na ang huli ay kontra Wethya Sakmuangklang ng Thailand na kanyang na-knockouts sa huling 2:24 segundo ng ikaanim na round noong Abril 28 sa Kida-pawan North Cotabato.

Sa mga naunang pagdepensa ni Ledwaba ng kanyang titulo, kabilang sa kanyang ginapi sina Edison Valencia (5th round TKO), Ernesto Grey (8th round TKO), Eduardo Alvarez (8th round TKO), Fil-Australian Arnel Barotillo (9th round TKO) at Carlos Contreras (via decision).

ANG LEDWABA-PAC

CARLOS CONTRERAS

EDISON VALENCIA

EDUARDO ALVAREZ

ERNESTO GREY

FIL-AUSTRALIAN ARNEL BAROTILLO

FILIPINO SOUTHPAW

GENERAL SANTOS CITY

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

LEDWABA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with