^

PSN Palaro

Ikatlong panalo sa finals target ng Welcoat

-
Isang panalo palapit sa korona ang sisikaping mailista ngayon ng defending champion Welcoat Paints sa muli nilang paghaharap ng Shark Energy Drinks sa Game Three ng 2001 Alaxan-PBL Chairman’s Cup finals sa Makati Coliseum.

Hawak na ng Paint Masters ang sikolohiyang bentahe sanhi ng kanilang 2-0 karta kung kaya’t inaasahan na ang pressure ay nasa panig ng Shark sa nakatakda nilang pang-alas-5:30 ng hapong duwelo.

Naikamada ng House Paints ang ikalawang sunod na panalo mula sa kabayanihan ni Jojo Manalo nang magpamalas ito ng intensibong opensa sa huling maiinit na bahagi ng laro upang maitakas ang gahiblang 80-79 panalo sa Game Two noong Sabado.

Ang panalo ngayon ng Welcoat ang siyang maglalapit sa kanila para itiklop ang kanilang best-of-seven championship series ng Power Boosters sa pamamagitan ng sweep.

Ngunit di pa rin nakakatiyak ang Welcoat na madaling mapapasakamay ang panalo dahil kung ikukumpara ang kanilang head-to-head duel ng Shark, matatandaan na noong nakaraang kumperensiya ay ganito ang kanilang sitwasyon.

Mula sa 2-0 pagkakalubog, umahon ang Shark at dumiretso para sa korona.

"We’ve been in the same situation as last conference. We were 2-0 but Shark managed to come back. Definitely, we’ll give it our best," ani Welcoat coach Junel Baculi.

Isa sa dapat na gawan ng adjustments ni Baculi ay ang kanilang opensa dahil kung hindi, posibleng masilat sila ng Shark na unti-unti na ring nakakagawa ng resolba kung paano sila matatapatan sa kanilang zone defense.

At kung pagbabatayan ang statistics, halos dominado ng Power Boosters ang lahat ng departamento kung saan mas impresibo ang kanilang field goal kumpara sa Paint Masters na nakapagtala lamang ng 30 matapos ang 80 tangka, habang kumunekta ang Shark ng 27-of-61.

Maging sa boards ay angat ang Shark, 47-39 at sa fastbreaks, 12-6.

Isa lamang ang dapat na pagtuunan ng pansin ni coach Leo Austria ang pagbabawas ng pagtatapon ng bola na kitang-kita sa Game Two kung saan umiskor ng 24 ang Welcoat.

Nauna rito, mag-uunahan naman ang Ana Freezers at Giv Soap sa pagkuha ng konsolasyong ikatlong puwesto sa Game Three ng kanilang sariling serye sa alas-3:30 ng hapon. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ANA FREEZERS

GAME THREE

GAME TWO

GIV SOAP

HOUSE PAINTS

KANILANG

PAINT MASTERS

POWER BOOSTERS

SHARK

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with