Inaasahang hawak ng Slashers ang bentahe dahil sa kanilang balwarte idaraos ang alas-5:30 ng hapong banatan nila ng Blades kung kaya’t paborito na maitala ng Negros ang kanilang ikalimang sunod na panalo na siyang magpa-patag pa ng kanilang kapit sa solong pamumuno.
Ngunit di nakakaseguro ang Slashers dahil siguradong hataw kalabaw ang gagawin ng Blades sa kanilang laban ngayon upang matabunan ang kanilang nalasap na 90-96 pagkatalo sa mga kamay ng San Juan noong Linggo dahi-lan upang malaglag sila sa liderato sanhi ng 3-1 win-loss slate.
Siguradong muling aasahan ng Slashers ang mga balikat nina John Ferriols katulong sina Johnedel Cardel, Maui Huelar, Cris Madrid, Cid White at ang tambalang Leo Bat-Og at Reynel Hugnatan.
Pero ang pagkakadagdag nina Patrick Benedicto na hinugot ng Blades mula sa Pasig-Rizal, Jomar Tierra mula sa Davoa at Dino Aldeguer mula naman sa koponan ng Alaska sa PBA ang magbibigay dagdag na lakas para maging kompetitibo ang Blades na di dapat balewalain ng Slashers.
Nauna rito, dadako naman ang aksiyon sa Araullo Gym sa Cabanatuan City kung saan maghaharap ang Nueva Ecija at Socsargen Marlins sa alas-3:30 ng hapon.