Santos vs Pantua sa finals

DAVAO - Binokya ni El Santo Santos si Patrick Solis, 8-0 upang isaayos ang kanilang titular showdown ni Ernesto Pantua na nagposte ng 8-1 panalo kontra kay Andrei Dizon para sa unisex 10-under division ng Adidas Tennis Challenge 2001 dito noong Linggo sa Flores Village Tennis Club.

Sa junior men’s 21-under category, niyanig ni Ronard Joven ng Isulan, Sultan Kudarat ang second seed na Davaoeño na si Rollyto Litang, 8-7 (5) upang makapasok sa semifinal round kontra Jeffrey Bacariza na nakaungos naman kay Jonas Soriano, 8-6 sa lower half ng draw.

Makakalaban ng top pick na si Roel Rubillar si Wowie Repaso na sumibak kay Rik Balindua, 8-7 (3) sa Adidas netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Milo at PTV-4 Saturday weekly show Sports Kids.

Show comments