^

PSN Palaro

42K Milo Marathon sisimulan sa Hunyo 24

-
Sa kauna-unahang pagkakataon sa mahabang kasaysayan, pinalawig ang Metro Manila Milo Marathon qualifying race na nakatakda sa Hunyo 24 na mula sa dating 20K distansiya, ito ay gagawin ng buong 42K marathon.

At bunga ng extension na ito, gagamitin sa ruta ng karera ang ruta ng PAL Manila International Marathon kung saan ang mga runners ay tatahak sa mga siyudad ng Manila, Pasay, Parañaque, Makati, Mandaluyong at San Juan, na dadaan naman sa kahabaan ng Roxas Blvd., Buendia, EDSA, Ortigas at babalik sa starting line sa PICC.

Siniguro ni national race organizer Rudy Biscocho na magkakaroon ng buong suporta ang karera mula sa police at traffic agencies gaya ng Metro Manila Development Authority, PNP Traffic Management Group, ng Western, Southern at Eastern Police Districts at ng PEATC Traffic & Safety at ito ay magsisimula sa ganap na alas-4:30 ng umaga.

Inaabisuhan din ng organizers ang mga motorista na tumahak sa alternatibong daan upang makaiwas sa traffic sa mga apektadong areas. Inihayag din na ang June 24 Milo Marathon race ay hindi na finishers’ marathon, na karamihan sa mga dadaanan ng karera ay libre sa runners ng mas maaga at ang mga nalalabi na nasa daan pa matapos ang itinakdang limang oras o bago sumapit ng alas-9:30 ng umaga, sila ay isasakay na lamang patungong finish line.

Ang karerang ito ay itinataguyod din ng Adidas, Philippine National Red Cross at Sports Medicine Ass. of the Phils.

EASTERN POLICE DISTRICTS

MANILA INTERNATIONAL MARATHON

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MANILA MILO MARATHON

MILO MARATHON

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

ROXAS BLVD

RUDY BISCOCHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with