^

PSN Palaro

"Bata" Reyes at 7 pang Pinoy lalahok sa World Pool Championships

-
May kabuuang 128 manlalaro na kinabibilangan ng 8 Filipinos sa pangunguna ng title holder na si Efren "Bata" Reyes ang kalahok sa 2001 World Pool Championship na gaganapin sa Cardiff Wales sa Hulyo 14-22, ito ang inihayag ng promoter Matchroom Sports at ng World Pool Association (WPA).

Ang iba pang Pinoy cue artists na kasama ni Efren ay sina Francisco Bustamante, Rodolfo Luat, Leonardo Andam, Ramil Gallego, Warren Kiamco, Antonio Lining at ang Canada resident na si Alex Pagulayan na nagparehistro bilang lahok naman ng Canada.

Sa ipinalabas na draw ng Matchroom Sports at WPA kung saan ang 128 players ay hinati-hati na kakatawan sa 44 bansa sa 16 grupo na bubuuin ng 8 manlalaro. Ang lahat ng manlalaro ay lalaro ng tig-isa sa race-to-5 match at ang top 4 sa bawat grupo ang siyang uusad sa last 64 knockout stages kung saan sila ay isi-seeded base sa kani-kanilang group performance.

Sa mga nabanggit na Pinoy cue artists, sina Gallego ang nahaharap sa mabigat na kalaban na nasa Group 1 kung saan dito nakagrupo ang defending champion na si Fong Pang Chao ng Taiwan at Kiamco na nasa Group 7 at makakalaban niya si Corey Deuel, ang sumisikat na batang Amerikanong pro na nanalo ng Billiards Congress of America (BCA) 9-Ball Open kamakailan lamang.

Nakataya sa annual championship na ito ang pinakamayamang pool tournament sa daigdig ang kabuuang premyong $300,000 ngayong taon na ang mananalo ay tatanggap ng $65,000 at $30,000 naman sa runner-up.

vuukle comment

ALEX PAGULAYAN

ANTONIO LINING

BALL OPEN

BILLIARDS CONGRESS OF AMERICA

CARDIFF WALES

COREY DEUEL

EFREN

FONG PANG CHAO

FRANCISCO BUSTAMANTE

MATCHROOM SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with