^

PSN Palaro

Kinatawan sa 37th Bowling World Cup hanap

-
Bubuksan ngayon ang tatlong buwan na competition upang madetermina ang dalawang kakatawan sa bansa para sa 37th Bowling World Cup international finals na nakatakda sa Nov. 4-20 sa Pattaya, Thailand sa 24 iba’t ibang keg centers.

Ito ay bukas para sa lahat ng lalaki at babaeng Filipino bowlers na may edad 16 pataas at ang eliminations ay gaganapin sa mga sumusunod na lugar.

Paeng’s Greenbelt Bowl, Puyat Sports Baguio, Paeng’s Sugarbowl-Bacolod, Xybr Bowl, Paeng’s Skybowl, Farmers Plaza, Q. Plaza, Grand Central, Astrobowl, Coronado Makati, Ali-Mall, Manuela EDSA, SM West, SM Mega-mall, Bowling Inn, Metropolis Alabang Commonwealth, Greenlanes, Superbowl, Pearl Plaza, Paeng’s Freedom Bowl Imus, Powerbowl-Rockwell, Coastal Lanes at sa Paeng’s Midtown Bowl.

Inaasahang pamumunuan ng nakaraang winners na sina C.J. Suarez at Arianne Cerdeña ang mga kalahok sa dalawang magkahiwalay na qualifying rounds na may dalawang magkahiwalay na finals na ang una ay sa Hulyo 29 hanggang Agosto 3 at ang ikalawa ay mula sa Setyembre 16 hanggang Setyembre 21.

Tampok sa national finals ang top 82 female at male finalists na gaganapin naman sa Sept. 24 sa Coastal Lanes, Sept. 27 sa SM Megamall at Sept. 28 sa Power Bowl-Rockwell.

Tanging ang multi-awarded na si Paeng Nepomuceno ang siyang naging matagumpay na Filipinong kalahok sa World Cup sa pagkakabulsa ng apat na korona noong 1976 sa Tehran, 1980 sa Jakarta, 1992 sa Le Mans at 1996 sa Ireland.

ARIANNE CERDE

BOWLING INN

BOWLING WORLD CUP

COASTAL LANES

CORONADO MAKATI

FARMERS PLAZA

FREEDOM BOWL IMUS

GRAND CENTRAL

GREENBELT BOWL

PAENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with