Layunin ng palaro na tumuklas ng mahuhusay na manlalaro mula sa kalipunan ng kabataan at ilayo ang mga ito sa pagpapalaboy-laboy sa kalye.
Kabilang sa mga palaro na binuksan ng pangulo ay ang swimming, football, trace relays, long jump, walka-thon, aerobics at softball.
Sa seremonya ng pagbubukas ng palaro, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jose D. Lina Jr., na ang proyekto ay isang ideya ng pangulong Arroyo noon pa mang siya ay Vice-President at Secretary ng Department of Social Welfare and Development.
Kabilang sa mga dumalo sa pagbubukas ng palaro bukod kay Lina ay sina PSC Chairman Carlos "Butch" Tuason, PSC Commissioner Cynthia Carrion, Ritchie Garcia, William Ramirez at Weena Lim. (Ulat ni Lilia Tolentino)