3rd win targer ng Red Bull sa PBA Commissioner's Cup
June 17, 2001 | 12:00am
Ikatlong sunod na panalo para sa Batang Red Bull, habang makabawi naman sa nakaraang kabiguan ang pakay ng defending champion San Miguel Beer sa kanilang naka-takdang paghaharap ngayon sa pag-usad ng elimination ng PBA Commissioners Cup.
Magsasagupa ngayong alas-4:15 ng hapon sa Araneta Coliseum ang SMBeer at Red Bull Thunder na susundan naman ng engkuwentro ng Mobi-line Phone Pals at Shell Velocity sa alas-6:30 ng gabi.
Magbibigay inspirasyon sa Thunder ang kanilang nakaraang 97-92 panalo sa Mobiline at 111-98 pamamayani kontra sa Ginebra noong Biyernes na naging dahilan upang mabaon sa limot ang 81-84 pagkatalo sa Alaska Aces noong opening ng kumperensiyang ito.
Ngunit ang nakaraang pagkatalo kontra sa Alaska, 84-94 sa Ynares Center noong Biyernes ang magiging motibasyon naman ngayon ng tropa ni San Miguel coach Jong Uichico na naging dahilan ng kanilang pagbag-sak sa liderato.
Ang San Miguel at Thunder ay kapwa nagtataglay ng 2-1 panalo-talo sa likuran ng kasalukuyang lider na Alaska na may malinis na 3-0 record kayat ang mananalo sa engkuwentrong ito ay siyang magsosolo sa ikalawang puwesto.
Nakasalalay kina San Miguel import Nate Johnson at Red Bull reinforcement Antonio Lang ang kapalaran ng kani-kanilang koponan kayat siguradong magpapasiklaban ang dalawang ito.
Muli namang mag-papamalas ng eksplosibong laro si import Jerod Ward na humakot ng 61 puntos sa kanyang debut game na kanyang sinundan ng 50 puntos ngunit natalo ang Phone Pals kontra sa Red Bull.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am