^

PSN Palaro

77th season ng NCAA sa Hulyo 7

-
Inaasahang punong-puno ng excitement ang nakatakdang pagbubukas ng pinaka-matanda at pinaka-prestihiyosong amateur league sa bansa ang National Collegiate Athletic Association ng kanilang ika-77th season sa Hulyo 7 sa Araneta Coliseum.

Walong koponan na kinabibilangan ng defending champion College of St. Benilde ang siyang maglalaban-laban para sa korona ngayong season na iho-host ng Philippine Christian University.

Tampok sa opening ang makulay na "Palabas" sa ilalim ng choreography ni Bobby Ongkiko base sa tema ng "Revitalizing the Heritage of Sports," kung saan bibigyan pansin dito ang mga achievements ng NCAA at ang kanilang naging bahagi sa Philippine sports.

Ang mga nakatakdang laro sa NCAA ay ipalalabas sa PTV-4 sa pamamagitan ng Media Conglomerates Inc. (MCI) na pangangasiwaan ni COO at general manager Roland Garcia.

Ang multi-titled San Sebas-tian College ang isa sa magiging mahigpit na karibal ng Blazers sa pagpapanatili ng hawak na korona, bukod pa ang koponan ng Jose Rizal College at University of Perpertual Help-Rizal.

Magsasagawa rin ng kani-kanilang mahigpit na kampanya ang apat na iba pang koponan para sa korona.

Ito’y ang San Beda College, Mapua Institute of Technology, San Juan de Letran at Philippine Christian University na nagsagawa na rin ng kani-kanilang major pre-season build-ups.

ARANETA COLISEUM

BOBBY ONGKIKO

COLLEGE OF ST. BENILDE

JOSE RIZAL COLLEGE

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MEDIA CONGLOMERATES INC

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

REVITALIZING THE HERITAGE OF SPORTS

ROLAND GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with