Purefoods humataw ng panalo sa PBA Commissioner's Cup
June 16, 2001 | 12:00am
Naging inspirasyon ng Purefoods TJ Hotdogs ang pagbabalik aksiyon ni Edward Joseph Feihl upang ilarga ang 65-54 panalo kontra sa Sta. Lucia Realty para sa kanilang unang panalo sa PBA Commissioners Cup eliminations na nagpatuloy kagabi sa PhilSports Arena.
Bilang pagbati sa pagbabalik ni Feihl, umangat si import David Wood na umiskor ng 25 puntos, kabilang ang 9-of-9 free throws shooting, 19 rebounds at 2 assists para makabangon ang TJ Hotdogs sa kanilang unang dalawang sunod na talo.
Umarangkada ang TJ Hotdogs sa ikalawang quarter at kanilang naitala ang pinakamalaking kalamangan na 19 puntos, 46-27 sa ikatlong quarter at di na nagawa pang makaporma ng Sta. Lucia.
Umiskor ng dalawang sunod na basket si Wood para sa 61-51 kalamangan upang tuluyan nang masiguro ng Hotdogs ang kanilang buwenamanong tagumpay. Sa pagbabalik aksiyon ni Feihl, naglaro lamang ito ng 13 minuto, dahil ayon kay coach Eric Altamirano ay mayroon pa rin itong iniindang sakit sa tuhod.
Ngunit sa likod nito at sa patuloy na pagkawala ni Andy Seigle ay nagawa pa ring magtagumpay ng Purefoods kontra sa Realtors na nakaasa lamang ng 15 puntos mula kay import Ansu Sesay sa likod ng 17 puntos ni Marlou Aquino.
Isang rumaragasang 20-2 run ang pinakawalan ng Purefoods sa ikalawang quarter sa pamumuno ni Wood upang kunin ang 16 puntos na kalamangan sa halftime.
Naglaho ang 17-15 kalamangan ng Sta. Lucia matapos itong malimitahan sa dalawang puntos lamang ang Realtors sa mahigit 10 minuto kasabay naman ng pagputok nina Wood, Boyet Fernandez at rookie Roger Yap.
Nalimitahan ang Realtors sa 30-of-15 field goal shooting sa ikalawang quarter kung saan 7 pun-tos lamang ang kanilang naani habang ang TJ Hotdogs naman ay kumana ng 7-of-19 field goal shooting.
Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyan naman naglalaban ang Batang Red Bull at Barangay Ginebra sa main game kagabi.
Samantala, magsasagupa naman ngayon ang Pop Cola Panthers at Tanduay Gold Rhum sa isang out-of-town game na gaganapin sa Ormoc Superdome sa Ormoc City.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am