Solo liderato asam ng Negros

Solong liderato ang aasintahin ngayon ng Negros Slashers sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban kontra sa cellar-dweller Socsargen Marlins sa pagpapatuloy ng MBA First Phase sa Cebu City Coliseum.

Ganap na alas-3 ng hapon, paparada ang Slashers at Marlins kung saan tangka ng Negros na masungkit ang ikaapat na sunod na panalo na siyang maglalagay sa kanila sa pansamantalang pamumuno.

Paborito ang Slashers na manalo sa kanilang laban sanhi ng kanilang malaking bentahe sa scoring na pupunan nina John Ferriols, Johnedel Cardel, Dennis Madrid at Cid White kung kaya’t kailangang kumayod ng husto sina Bong Alvarez at Cris Bade para supilin ang inaasahang pana-nalasa ng kabilang koponan.

At bandang alas-5:30 ng hapon, mag-uunahan naman ang San Juan Knights at Cebu Gems na masungkit ang ikatlong panalo na magpapatag sa kanilang kinalalagyan.

Show comments