^

PSN Palaro

Hunyo 17 huling pagtatala sa Milo Marathon

-
Hanggang Martes, Hunyo 19 na lamang ang itinakdang huling araw para sa mga runners na magpapalista sa 42K Metro Manila qualifying run ng Milo Marathon, ang natatanging pinakamahabang karera at pinakamalaking running program ng bansa na ngayon ay nasa kanila ng ika-25th taon.

Ang unang yugto ng regional events ang siyang magdedetermina ng qualifiers para sa national marathon finals na nakatakda sa December. Tampok din sa Metro Manila race ang side events na gaya ng 10K fun run, 5K run para sa mga mag-aaral at 3K kiddie run na nakatakda sa Hunyo 24.

Inaabisuhan ni national race organizer Rudy Biscocho ang lahat ng kalahok na ang lugar ng naturang event na orihinal na itinakda sa Luneta ay inilipat na sa PICC kung saan dito ang simula at dito rin magtatapos ang karera.

Ang mga patalaan ay kasalukuyang ginaganap sa main registration center sa ground floor ng Vasquez Madrigal Plaza Building sa Annapolis Street sa Greenhills, habang ang satellite centers ay ilalagay ngayong linggo upang ma-tugunan ang inaasahang malaking bilang ng mga kalahok na aabot sa 5,000.

At sa Sabado ng umaga, Hunyo 16, ipapamahagi ng Milo Marathon organizers sa kooperasyon ng RUNEX Club ang mga entry forms sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City, habang sa susunod na araw, Hunyo 17, maaari pang magpatala ang runners para sa event na ito sa PICC kung saan idaraos din ang Olympic Day Run sa umaga.

Inaabisuhan din ni Biscocho ang lahat ng kasaling runners sa qualifying 42K run na dumating sa starting area sa ganap na alas-4 ng umaga dahil ang full marathon ay magsisimula ng eksaktong alas-4:30 ng umaga, habang ang mga kasali sa 3K, 5K at 10K ay kailangang dumating sa PICC grounds ng alas-5:30 ng umaga dahil magsisimula ang nasabing tatlong karera sa ganap na alas-6.

ANNAPOLIS STREET

HANGGANG MARTES

HUNYO

INAABISUHAN

METRO MANILA

MILO MARATHON

OLYMPIC DAY RUN

QUEZON CITY

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

RUDY BISCOCHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with