^

PSN Palaro

Ana Freezers nanigas sa Giv

-
Makaraang maunsiyami sa finals, eksplosibong laro ang ipinamalas ng Giv Beauty Soap upang pabagsakin ang Ana Freezers, 100-87 sa pagbubukas ng ka-nilang best-of-three mini series para sa konsolasyong third place ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Kumawala ang Soap Experts sa second half at di na lumingon pa upang makuha ang 1-0 bentahe sa kanilang mini series at isang panalo na lamang ang kanilang kailangan upang makopo ang third place.

Matapos mabigo sa triple overtime knockout game kontra sa kanilang kapatid na kumpanyang Shark Energy Drinks noong Martes, 93-96, pinagbuntunan ng galit ng Giv ang Freezer Kings.

Mula sa 52-50 kalamangan, nagsanib ng lakas sina Edwin Bacani at Ogie Gumatay upang umarangkada ang Soap Experts sa pamamagitan ng 16-0 produksiyon para sa 68-50 kalamangan.

vuukle comment

ANA FREEZERS

EDWIN BACANI

FREEZER KINGS

GIV

GIV BEAUTY SOAP

KUMAWALA

MAKARAANG

MAKATI COLISEUM

OGIE GUMATAY

SOAP EXPERTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with