Adidas Tennis Challenge bubuksan sa Davao City

Patuloy ang Adidas Philippines sa pagbibigay ng kanilang commitment sa mga kabataang Filipino para sa long-term sports development program kung saan ang Adidas Tennis Challenge ay bubuksan sa Flores Village Tennis Club sa Davao City sa Hunyo 16-18.

Ang nasabing Adidas Tennis Challenge, isang age group tournament na gina-ganap din sa Luzon, Visayas at Mindanao regions ay inorganisa ng PSA at SCOOP awardee Children’s Tennis Workshop sa ikatlong sunod na taon na suportado ng PTV-4 Saturday weekly show Sports Kids.

Tampok ang mga events sa junior men’s at women’s 21-under, boys’ and girls’ 16-under, 14-under, 12-under at unisex 10-under divisions.

"We want the Adidas Tennis Challenge to be a major part in developing a new breed of Filipino tennis players into the world-class level," ani Adidas sales & marketing director Sonny Nebres." This is in line with the world-wide sports program of Adidas."

Matapos ang initial na Davao leg na idinaos sa koordinasyon ni Philta regional VP Titong Cansino, tutungo rin ang Adidas Tennis Challenge 2001 sa Cagayan de Oro City, Baguio, Cebu at Manila.

Show comments