^

PSN Palaro

Shark sa finals na

-
Matapos ang tatlong overtime, tuluyan nang nakarating sa kampeonato ang Shark Energy Drink nang kanilang igupo ang magiting na nakipaglabang sister company na Giv Soap, 96-93 sa crossover semis ng PBL Chairman’s Cup sa napunong Makati Coliseum.

Bunga nito, hihintayin na lamang ng Power Boosters ang kanilang makakalaban sa best-of-seven championships na magsisimula sa Huwebes sa pagitan ng defending champion Welcoat Paints at Ana Freezers na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang artikulong ito.

Buhat sa 93-92 pangunguna ng Soap Experts, ang basket ni Erwin Sotto at split shot nina Rolly Basilides at Manuel Caseres ang naging tuntungan ng Shark sa tagumpay.

Bagamat may 9.2 segundo pa ang natira para sa huling posesyon ng Giv at tsansang dalhin sa ikaapat na overtime ang laro, hindi naman nasambot ni Marlon Kalaw ang mataas na pasa ni Marlon Legaspi sanhi ng turnover na siyang tuluyang nagkaloob sa Power Boosters ng panalo.

Bagamat umabante sa 65-56 ang Shark sa ikaapat na quarter, isang 17-5 run ang pinangunahan nina Legaspi at Egay Billiones upang agawin ang kalamangan sa 73-70 ngunit isang tres ni Basilides ang nagtabla ng 73-all na naging bunga ng unang overtime.

Abot kamay na ng Giv ang panalo matapos hawakan ang 79-76 kalamangan sa unang extra five-minutes, 8.1 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro, ngunit umiskor ng tres si Sotto bilang follow-up sa nagmintis na basket ni Basilides na naging dahilan naman ng ikalawang overtime.

vuukle comment

ANA FREEZERS

BAGAMAT

BASILIDES

EGAY BILLIONES

ERWIN SOTTO

GIV

GIV SOAP

MAKATI COLISEUM

MANUEL CASERES

POWER BOOSTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with